Ibinasura na ng Sandiganbayan ang isa pang civil case laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.
Ito ayon sa 12 pahinang resolusyong inilabas ng second division, ay dahil bigong hatulan ng mga state prosecutor “For an unreasonable length of time” ang mga Marcos.
Nabatid na nasangkot ang mag-asawang Marcos sa kasong isinampa laban kay Fernando Timbol dahil sa mga sasakyan at appliances na binili nito na hindi pasok sa kanyang sahod.
Sinabi naman ng state prosecutors na hindi na tututulan ng Presidential Commission on Good Government ang pagsasara sa kaso dahil na-recover na ng pamahalaan ang mga ari-ariang kabilang sa nasabing usapin.
Gayunman, binigyang-diin ng sandiganbayan na may mga nakabinbin pang isyu dahil nakasaad sa original complaint ang actual, moral, temperate, nominal at exemplary damages. – Sa panualt ni John Riz Calata