Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagbasa ng demanda kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at anak na si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez para sa kinakaharap na kasong graft.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y maanomalyang kontrata para sa renovation ng Provincial Gymnasium noong 2008.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na si Parojinog Sr. ay nakipagkuntsabahan sa kapwa respondent upang mai-award ang kontrata para sa renovation ng gymnasium sa private contractor na PSCC o Parojinog and Sons Construction Company, kung saan managing partner ang anak nito na si Nova Princess.
Muling itinakda ang arraignment sa mag-amang Parojinog sa April 11.
By Meann Tanbio