Ipinagpaliban muli ng Sandiganbayan ang paglilitis sa mga kasong Graft at Malversation ni Dating Makati Mayor Elenita Binay upang maresolba muna ang mosyong inihain ng kampo ng dating alkalde.
Sa kanyang motion to defer proceedings, sinabi ni Ginang Binay na hiniling niyang iraffle muli ang kanyang apat na kasong nakabinbin sa iba’t ibang dibisyon ng Sandiganbayan at hiwa-hiwalay na litisin ang mga ito.
Sinabi rin ni Binay na inaapela pa niya ang pagtanggi ng Sandiganbayan sa kanyang kahilingang huwag ipahawak ang kanyang mga kaso kay Presiding Judge Amparo Cabotaje-Tang dahil duda ang dating alkalde sa kakayahang maging patas ng naturang hukom.
May kaugnay ang mga kaso ni Ginang Binay sa umano’y maanomalyang pagbili ng 45 milyong pisong mga hospital bed at sterilizer para sa ospital ng Makati.
By: Avee Devierte