Minamadali na ng Sandiganbayan ang pagbuo ng resolusyon sa inihaing mosyon nina Dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si Dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Ito’y kung saan hiniling ng mag-amang Binay na ibasura ang criminal charges na isinampa laban sa kanila na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang konstruksyon ng P2.28 Billion Makati Parking Building.
Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, kasalukuyan pang hinihinamay ang motion for judicial determination of probable cause na inihain ni Binay.
Si Tang, na siyang Chairman ng 3rd Division ng Anti-Graft Court ang siyang may hawak sa kaso ng mag-amang Binay.
By: Meann Tanbio