Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang inihaing Motion for Reconsideration ng prosekusyon sa hirit nitong baliktarin ang nauna nitong desisyon.
Ito’y makaraang payagan ng anti-graft court si dating Senador Jinggoy Estrada na makapaglagak ng piyansa sa kasong plunder at graft na may kaugnayan sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.
Batay sa apat na pahinang resolusyon ng anti-graft court, in-order na payagan nitong makapagpiyansa ang dating Senador dahil nabigo ang prosekusyon na ilahad ang mga sapat na ebidensya para patunayan ang kanilang paratang.
Una nang iginiit ng panig ng mga taga-usig na mayruon umanong conspiracy o sabwatan sa pagitan ni Estrada at ng tinaguriang pork barrel queen Janet Lim Napoles para iparaan sa mga bogus na NGO o Non Government Organizations ang pork barrel fund ng Senador.