Napipintong magbaba ng guilty verdict ang Sandiganbayan sa perjury case na kinakaharap ni dating PNP Chief Alan Purisima.
Ito ayon sa second division ng Sandiganbayan ay matapos ilatag ng prosecution ang mga paunang ebidensya nito laban kay Purisima kaugnay sa umanoy hindi pagsasama ng ilang ari arian niya sa kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Dahil dito inihayag ng Sandiganbayan na dapat i rebut o pasinungalingan ni Purisima ang mga akusasyon laban sa kaniya sa halip na hilinging ibasura ang nasabing kaso sa pamamagitan ng demurrer to evidence.
Una nang inihayag ni Purisima sa kaniyang mosyon na bigo ang prosecution na patunayang pinagtakpan niya o sadyang nagsinungaling siya sa kaniyang SALNs.
Wala rin aniyang nakuha ang Ombudsman prosecutor ng kopya ng kaniyang SALNs mula sa Office of the President (OP) na siya aniyang legal custodian ng kaniyang SALNs bago italagang PNP chief.