Nilinis ng Sandiganbayan ang pamilya Marcos at ilan sa kanilang mga cronies sa kinakaharap ng mga ito na 102 billion pesos forfeiture case.
Ayon sa Sandiganbayan Second Division, bigo ang Presidential Commission on Good Government o PCGG na magprisinta ng mga ebidensya laban sa mga akusado.
Hindi umano napatunayan ng PCGG na nagkaroon ng sabwatan ang mga akusado sa pagbibigay ng loan maging ang akusasyong may naganap na katiwalian sa pagpapatakbo sa operasyon ng RPN-9, IBC-13 at BBC-2.
Bigo rin patunayan ng PCGG na naglagak ang grupo ni Marcos ng pera sa California Overseas Bank.
Kabilang sa mga respondent sa nasabing kaso sina dating pangulong Ferdinand Marcos, dating first lady Imelda Marcos at 11 sa kanilang mga dating tauhan.