Pinatawan ng contempt ng Sandiganbayan Fifth Division ang abogado ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.
Ito’y dahil sa kabiguan ni Atty. Robert Sison na dumalo sa ikalawang araw ng graft trial ng kanyang kliyente.
Dahil dito, pinagmumulta si Sison ng P2,000.00.
Isinampa ang graft case noong 1991 kaugnay sa umano’y pagtatatag ni Marcos ng ilang foundation sa Switzerland at pagkakaroon nito ng financial interest sa mga pribadong negosyo noong siya ay miyembro ng Interim Batasang Pambansa mula 1978 hanggang 1984.
By Meann Tanbio