Sinita ng Sandiganbayan ang Office of the Solicitor General (OSG) sa kawalang aksyon nito sa ill-gotten wealth case kung saan sangkot ang katao na di umanoy naging dummy ng mag asawang Ferdinand at Imelda Marcos.
Sa isang resolusyon, pinuna ng sandiganbayan na hindi kumilos ang osg para umusad ang kaso sa nagdaang isang taon at dalawang buwan.
Ayon sa Anti-Graft court, nuong 2018 ay pinagbigyan nila ang mosyon ng osg na magkaruon ng dagdag na panahon para mapatawag ang mga akusado at maayos ang iba pang detalye ng kaso.
Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa umano nagbibigay ng impormasyon sa korte ang OSG.
Dahil dito, inatasan ng sandiganbayan ang osg na bigyan ng impormasyon ang korte kung anong aksyon na ang ginawa nito sa tinutukoy nilang kaso.