Tiniyak ng Sandiganbayan 1st Division na tatalima ito sa pagpapalawig ng Korte Suprema sa status quo ante order sa kasong plunder ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Justice Efren dela Cruz, susundin nila ang utos ng korte, kung saan hindi gagalaw ang kaso hanggang sa Abril 20.
Ang plunder case ni Arroyo ay kaugnay sa maanomalyang paggamit ng pondo ng philippine charity sweepstakes office.
Una rito, pinalawig pa ng Korte Suprema hanggang sa 60 araw ang status quo ante order na pumipigil sa paglilitis laban kay Arroyo.
Ito’y makaraang humiling ang Office of the Solicitor General ng karagdagang 45 araw para makapaghain ng komentaryo sa urgent motion for house arrest ni Ginang Arroyo.
Samantala, malugod na tinanggap ng kampo ni Ginang Arroyo ang balita ngunit hangad din nilang mapagbigyan na ang bail petition nito sa Sandiganbayan.
Kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center si Ginang Arroyo dahil sa kasong plunder kaugnay ng PCSO fund scam.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)