Tumanggi ang Sandiganbayan First Division na maghain ng kanilang komentaryo sa Korte Suprema kaugnay sa status ante order ng kataas taasahang hukuman sa plunder case ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sa halip ay compliance with manifestation na lamang ang ipinadala ng Sandiganbayan First Division sa Korte Suprema.
Ibig sabihin, susundin na lamang nila kung anuman ang naging utos ng Supreme Court.
Una nang ipinag-utos ng Korte Surpema na ihinto ng 30 araw ang pagdinig sa kasong plunder ni Ginang Arroyo.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)