Pinaaaresto ng korte ang pito (7) katao, kabilang si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam, dahil sa pagpaslang sa vice mayor ng Masbate noong 2019.
Ang arrest warrant laban kay Cam, anak nitong si Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna at Rigor Dela Cruz, ay inisyu ni Manila RTC Judge Dinnah Aguila-Topacio kaugnay sa mga kasong murder at frustrated murder na kinakaharap ng mga ito.
Nagtakda naman ng P200,000 na piyansa si Topacio sa kada akusado sa kaso.
Nag-ugat ang kaso sa pag-ambush kay Vice Mayor Charlie Yuson III ng Batuan, Masbate na nakasugat din sa kasamahan nitong si Alberto Alforte IV habang nag-aalmusal ang mga ito sa Sampaloc, Manila noong ika-9 ng Oktubre, 2019.