Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam dahil sa pagkamatay ni sa isang vice mayor nuong nakaraang taon.
Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder si Cam, anak niyang si Marco Martin Cam, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor Dela Cruz dahil sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.
Ayon sa asawa ni Yuson na si Lalaine, sinabi sa kanya ng kanyang mister na si Cam lamang ang pwedeng gumawa ng naturang krimen.
Sinasabing nag ugat ang alitan ng dalawang pamilya matapos na manalo sa mayoralty race ang anak ni Yuson na si Charmax laban sa anak ni Sandra na si Marco.