Sinampahan ng kasong libel ni PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member Sandra Cam si Special Envoy to China Ramon Tulfo.
Kaugnay ito sa dalawang artikulong sinulat ni Tulfo na pahayagang Manila Times na tinawag niyang pawang kasinungalingan lamang.
Ayon kay Cam, maituturing na libelious ang mga isinulat ni Tulfo kung saan tinawag siya nitong number one na intrigera sa PCSO at siya rin di umano ang bumulong sa Malakanyang na tumatanggap ng suhol si dating PCSO general manager Alexander Balutan dahilan para masibak ito sa pwesto.
Sa isa pang artikulo ni Tulfo, tinukoy niya ang isang police report noong 2001 kung saan ibinabyahe di umano ang mga unrefined shabu sa isang resort sa Catanduanes na sinasabing pagma may-ari ni Cam.
Nanatili namang tikom ang bibig ng kampo ni Tulfo sa kasong isinampa laban sa kanya.