Hindi isusuko ng pamahalaan ng Pilipinas ang karapatan sa Sandy Cay Bar na isa sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, sa harap ng ulat na nasakop na ng China ang Sandy Cay na nakapaloob sa territorial waters ng Pag-asa Island.
Ayon kay Esperon, nanatiling disputed area ang bahaging ito ng West Philippine Sea kaya’t hindi maaaring angkinin ng China ang naturang lugar.
Marami pa aniyang mula sa ibang bansa tulad ng Vietnam at China maging mga Pilipino ang malayang nangingisda na naturang teritoryo.
Bukod rito, sinabi ni Esperon na pagmamay-ari rin ng Pilipinas ang Pag-asa Island na kabilang din sa munisipalidad ng kalayaan.
Wala pa tin aniyang pangangailangan na magpadala ng barko ng Philippine Navy dahil naroroon ang mga tauhan ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagpapatupad ng mga batas pangisda sa nasabing teritoryo.