Nanindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi umano nawala sa teritoryo ng Pilipinas ang Sandy Cay na nasa dalawa’t kalahating milya o apat na kilometro ang layo sa Pag-Asa island.
Ito’y makaraang isiwalat ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano nawalan na umano ng kontrol ang Pilipinas sa naturang banlik o bahura na bahagi ng inaangkin ng Pilipinas sa Spratlys.
Ayon kay Lorenzana, walang nawala sa Pilipinas at nananatili ito sa bansa dahil wala naman aniyang umookupa sa bahaging iyon ng karagatan.
Hinikayat pa ng kalihim ang mga Pilipino na maligo sa naturang bahura at maaari pang makabalik sa bansa ng ligtas upang patunayan na walang kahit sino ang umookupa ruon.
Magugunitang sinabi ni Alejano na may nakaposte na aniyang mga barko ng Tsina sa Sandy Cay na indikasyon na inookupa na rin nito ang naturang bahura mula pa nuong Agosto ng isang taon.