Isang 6 na buwang gulang na sanggol ang nilagnat matapos aksidenteng turukan ng COVID-19 vaccine sa Bulacan.
Ayon sa Ina ng sanggol, nitong December 29 nang dalhin niya ang kaniyang anak sa Rural Health Unit ng Bayan ng Sta. Maria, Bulacan upang pabakunahan ng Anti-pneumonia vaccine.
Gayunman, sa halip na Pneumonia vaccine ay COVID-19 vaccine ang naiturok sa sanggol dahilan upang lagnatin ito nang dalawang beses.
Nakarating na ang sumbong sa Department of Health at nagsasagawa na ng imbestigasyon katuwang ang Local Government ng Santa Maria.
Inabisuhan naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center ang mga ospital at klinika na dapat ihiwalay ang COVID-19 vaccines sa mga regular na bakuna. —sa panulat ni Mara Valle