Patay ang isang sanggol ilang araw matapos siyang isilang sa Mangaldan, Pangasinan.
Batay sa pagsusuri ng mga doktor, positibo sa COVID-19 ang bata at hindi pa naturukan ng bakuna ang kaniyang Ina.
Ayon kay Mangaldan COVID-19 Focal Person, Dra. Racquel Ogoy, maayos naman ang kalagayan ng sanggol nang iluwal noong January 7 pero noong linggo ay nangingitim na ito kapag umiiyak.
Inilipat sa ospital ang bata at isinailalim sa RT-PCR Test pero idineklarang Dead on arrival.
Inilibing na ang sanggol habang iniimbestigahan na ng DOH kung saan posibleng nakuha ng bata ang virus.