Nabawi na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong-buwang-gulang na sanggol na ibinenta Online ng kaniyang sariling ina sa halagang P45-K sa isang buyer na hindi umano nito kilala.
Sa tulong ng mga tauhan ng Anti-human trafficking division ng NBI, nadakip ang magka-live in partner na sina Imelda Maligiran at Nigerian National na si Maxwell Brine sa Sta. Cruz, Laguna.
Ayon kay NBI Director Eric Distor, nahanap ang mga suspek dahil sa walang tigil na koordinasyon ng mga tauhan ng NBI sa iba’t-ibang ahensiya at sa mismong Facebook kung saan, nahanap ang nagsilbing “middleman” sa naganap na transaksiyon.
Matatandaang pinaampon ng 22-anyos na ina ang kaniyang anak matapos malulong sa E-sabong at malubog sa utang.
Sa ngayon, mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang ina ng sanggol. —sa panulat ni Angelica Doctolero