Isang sanggol na edad isa’t kalahating taon ang nailigtas ng mga pulis sa Imus, Cavite matapos ibenta ng nanay sa halagang P2,500.
Nagpasaklolo ang 21-anyos na ina sa mga otoridad ilang araw matapos ang transaksyon.
Ayon kay Imus Police Chief of Investigation, LT. Reynald Afable, nakonsensya umano ang nanay ng sanggol sa ginawa nito sa anak na si angelique at dahil sa problema ay napilitan itong ibenta.
Natunton naman sa social media ang suspek na si Jane Mapa na bumili sa sanggol pero hindi ito nakipag-ugnayan sa mga otoridad kaya’t nagpanggap ang mga pulis na ina ni Angelique at nasagip ito at naaresto si Mapa.
Nahaharap si Mapa mga kasong paglabag sa Child Abuse Law at Anti-Trafficking in Persons Act.