Nanawagan ng tulong ang ina ng siyam na buwang gulang na bata na nakalunok ng push pin.
Ayon sa ulat, nasa milktea shop sa Kidapawan City ang mag-ina nang hindi nito namalayang nakuha pala ng bata ang isang push pin doon at isinubo ito.
Sinubukan pa ng ina na kunin ang push pin ngunit tuluyan na itong nalunok ng bata.
Matapos magpa-x-ray, nakitang nasa bituka na ng sanggol ang pin.
Ayon sa Doktor, kailangang ma-operahan ang bata kung hindi natural na mailabas ng bata ang pin sa loob ng tatlong araw.
Tinatayang aabot sa 50,000 pesos hanggang 100,000 pesos ang magagastos sa pagpapagamot at operasyon ng bata.—sa panulat ni Hya Ludivico