Nadiskubre ang isang patay na sanggol na nakasiksik sa estero sa Quiapo, Maynila.
Bumulaga sa mga residente sa Bautista Street sa Barangay 385 ang nakadapang sanggol.
Naglilinis ang isang miyembro ng clearing operations ng Manila City sa baradong kanal at inidoro sa isang gusali at nadiskubre ang bata.
Agad namang ikinordon ng Manila City Police District Station 14 ang lugar habang dinala na sa purenarya ang sanggol at pinaghahanap kung sino ang walang-pusong nagtapon sa paslit. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla