Nanganganib ang sangkatauhan sa oras na sumiklab ang nuclear war.
Ito ang ibinabala ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa pagsisimula ng conference ng mga bansang kasama sa nuclear non-proliferation treaty sa New York, USA.
Ayon kay Guterres, sakaling magkaroon ng isang pagkakamali at gumamit ng armas nukleyar sa Russia-Ukraine war, Korean peninsula o Middle East, tiyak na mas marami ang mamamatay.
Aminado ang UN Chief na mas mataas ang peligrong hatid ngayon ng nuclear weapons kumpara noong “cold war” dahil mas marami na ang mga bansang nagtataglay ng mapaminsalang mga armas.
Ang pag-waksi anya sa nuclear weapons ang tanging garantiya na hindi na ito gagamitin.
Bukod sa US, Russia, China, France, UK, mayroon na ring mga armas nukleyar ang India, Iran, Pakistan, North Korea habang pinaniniwalaan ding mayroon na ring nuclear weapons ang Israel.