Mahigit 7,000 lata ng beer, P50,000 cash, iba’t ibang uri ng armas at iligal na droga ang narekober sa inilargang “Oplan Galugad” sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City.
Bukod sa mga alak na nagkakahalaga ng P1,000 bawat isa, nakasabat din ang mga prison guard ng mga baraha, cellphone at laptop.
Ayon kay Bureau of Corrections Officer-in-Charge Gregoio Catapang Jr., ang mga kontrabando ay isinuko ng mga gang leader matapos ang isang dayalogo.
Magugunitang nag-take over si Catapang bilang BuCor Director matapos ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang suspensyon kay Director General Gerald Bantag.
Kaugnay ito sa pagkamatay ng bilanggong si Jun Villamor, na nagsilbi umanong ‘‘middleman’’ na nag-hire ng gunmen upang patayin ang brodkaster na si Percival “ka-Percy Lapid” Mabasa noong Oktubre.