Ibinunyag na ng Senado ang nilalaman ng Committee report no. 649 ng Senate Committee of the Whole na nag-iimbestiga sa talamak na smuggling ng agricultural products.
Batay sa intelligence report na natanggap ni Senate President Tito Sotto noong May 17 at nakapaloob sa committee report, tinukoy bilang mga protector at nasa validated list sina customs chief Rey Leonardo Guerrero;
Agriculture undersecretary Ariel Cayanan; customs deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro; Customs Deputy Commissioner Vener Baquiran ng revenue collection monitoring group;
Director Geofrey Tacio ng Customs Intelligence and Investigation Service; Atty. Yasser Abbas ng customs import and assessment; Bureau of Plant Industry (BPI) Director George Culaste;
Bureau of fisheries and aquatic resources director Eduardo Gongona at Laarni Roxas ng plant quarantine services division ng BPI; Navotas City Mayor Toby Tiangco, na sinasabing smuggling protector ng BFAR products;
Tuburan, Cebu Mayor Jun Diamante, na may kinalaman umano sa agricultural products na dumaraan sa ports of Cebu, Davao, Cagayan De Oro at Subic;
Gerry Teves na nakasaad na smuggler sa mga Major Ports; David Tan alyas David Bangayan; Manuel Tan; Jude Logarta sa Cebu; Leah Cruz alyas Luz Cruz at alyas Lilia Matabang Cruz na tinatawag na Onion Queen; Andy Chua; George Tan; Paul Teves; Tommy Go at Wilson Chua.
Isinumite rin ni Sotto kay President-elect Bongbong Marcos ang 63 pahinang committee report noong Hunyo 1 pero walang detalye sa tunay na kinalaman ng mga customs at DA Official sa smuggling at wala rin silang sagot sa pagkakasama sa listahan.—mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)