Mahigit sa 50% na ng Sangley Airport sa Cavite ang natapos ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa DOTr, posibleng bago pa dumating ang kanilang deadline sa Nobyembre ay matapos na ang konstruksyon ng airport upang magamit ng maliliit na eroplanong lumalapag pa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kabilang sa mga tinututukang ayusin ang structural works sa passenger terminal building, runway, apron, drainage system, power supply at site development.
Matatandaan na isa ang Sangley Airport sa mga nakitang solusyon sa matinding trapiko na nararanasan sa NAIA.