Posibleng hindi kayanin ng ginagawang Sangley Airport sa Cavite ang mga domestic flights.
Matatandaan na ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang konstruksyon ng Sangley Airport upang mailipat doon ang domestic flights at mapaluwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay kay Eric Apolonio, spokesman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), limitado ang espasyo sa ginagawang Sangley Airport.
Maaari anyang kayanin lamang nito ang mga domestic flights na may mahigit sa 40 pasahero.
Dinesign lang ho ‘yan, maliit na ano lang ho, it can accommodate ‘yang terminal a hundred fifty passengers lang po ‘yan. Limited ‘yung space na gagawin. Well, pwede po ‘yan, posible po ‘yan doon sa mga maliliit na eroplano like ‘yung mga 46 passengers, 50 passengers,” paliwanag ni Apolonio.
Gayunman, sinabi ni Apolonio na kayang i-accomodate ng Sangley Airport ang mga nasa general aviation.
Kung ililipat anya sa Sangley Airport ang mga nasa general aviation, aabot sa 50 flights araw-araw ang maaaring mabawas sa NAIA.
Ang una ho kasing direksyon d’yan ‘yung Gen Av muna ‘yung maalis sa NAIA. Base on our record meron tayong about 1,500 flights every month ng Gen Av, so transform that every 30 days, 50 flights per day ang mawawala… maliliit na aircraft commercially operating ay nandoon sa Clark. ‘Yung pumupunta sa Busuanga pwede rin po silang mag-operate d’yan sa Sangley. Ang point lang ho d’yan is kung viable ba sa kanila,” pahayag pa ni Apolonio.
Ratsada Balita Interview