Mahigit 70% nang tapos ang konstruksyon ng Sangley Airport sa Cavite.
Ayon sa Department of Transportation, itinatayo na ang mga karagdagang pasilidad para sa General aviation at turbopop operations ng paliparan.
Ipinabatid ng DOTR na tuloy-tuloy rin ang structural works para sa passenger terminal building gayundin ang pag upgrade sa preparation para sa concrete slab sa hangar.
Patuloy din ang roofing at gutter installation, paghahanda sa gravel base course at concrete pouring para sa ramp at taxiway ng paliparan gayundin ang konstruksyon ng drainage system sa landslide area.
Batay sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade, 27/4 ang dapat na konstruksyon sa Sangley Airport para matiyak na matatapos sa itinakdang deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte sa November 2019.