Sumailalim na sa operational dry run ang Sangley Airport sa Cavite.
Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng dry run para subukin ang kahandaan ng paliparan sa maraming flights.
Kasama ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nag-inspeksyon si Cavite Governor Jonvic Remulla sa pasilidad ng paliparan partikular sa pre-departure area at sa passenger terminal building.
Galing CCP Complex Manila, ang Sangley Airport ay kayang marating sa pamamgitan ng 20-minute ferry ride.
Bahagi ng dry run ang paglapag sa runway ng Sangley Airport ng cargo freighter ng Cebu Pacific.
Tiwala ang DOTr na makakatugon ito sa deadline ng Pangulong Duterte para sa 100% pagkumpleto sa konstruksyon ng nasabing paliparan.
Sa ngayon ay kumpleto na ang asphalt overlay at clearing sa dulo ng runway, reblocking ng concrete pavement, installation ng dalawang pump kabilang na ang drainage system, konstruksyon ng ramp at site development, landscaping at streetlight installations gayundin ang konstruksyon ng access road, installation ng CCTV surveillance system, counter, weighing conveyor, meteorological equipment set up at mobilization ng dalawang modernong fire trucks sa airport.