Madalas bang nananakit ang inyong batok?
Pangkaraniwan ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa opisina dahil sa madalas na nakaupo sa harap ng computer at madalas ay hindi maganda ang pag-upo o postura.
Isa rin ang pagkakaroon ng naipit na ugat sa mga dahilan kung bakit nananakit ang batok o heniated disk o bone spur kung tawagin.
Kadalasang sanhi ng pananakit ng batok ay ang pagkakaroon ng high blood. Madalas ito ay sinasamahan ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at pagiging lightheaded.
Mainam na magpunta sa doktor upang mabigyan ng tamang diagnosis. Sa mga high blood naman ay ugaliing mag ehersisyo at iwasan ang pagkain ng matataba at masesebong pagkain.
Para sa agarang lunas sa pananakit ng batok, ugaliing ayusin ang pag-upo at paghiga upang hindi magkaroon ng poor posture na karaniwang sanhi ng pananakit ng batok.
Maaari ring gumamit ng cold compress at ipatong sa parte na sumasakit upang maibsan ito. —sa panulat ni Hannah Oledan