Ang sore throat o pananakit ng lalamunan ay karaniwang nararamdaman ng mga tao.
Ayon sa mga eksperto, ito ay sanhi ng impeksyon at environmental factors tulad ng hangin. Ngunit, kusa ring nawawala sa loob ng lima hanggang pitong araw.
Payo ng mga eksperto upang malunasan ang sore throat ay damihan ang pag-inom ng tubig, juice, tea at maligamgam na sabaw. Magmumog ng tubig na may asin, ipahinga ang boses para hindi humantong sa iritasyon at pagkawala ng boses.
Para maiwasan ang sore throat, sinabi naman ng mga eksperto na dalasan ang paghuhugas ng kamay at iwasan ang paghawak sa ilong at bibig para hindi makakuha ng mikrobyo. —sa panulat ni Airiam Sancho