Alam niyo ba na ang dementia ay hindi isang medical condition kundi grupo ito ng mga sintomas na may kasamang hirap sa pag-iisip at pagsasalita.
Malaking porsiyento ng pagkakaroon ng dimentia ang alzheimer’s disease habang ang parkinson’s disease ay may malaking epekto sa pagkilos at pag-iisip.
Isa rin ang traumatic brain injury at kakulangan sa nutrisyon sa pagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng dimentia ang isang indibidwal
Samantala, ang mga sintomas naman nito ay ang:
- pagiging malilimutin sa maraming bagay
- pakakaroon ng pagbabago sa pagsasalita
- hindi makapag isip ng tama at pagkatuliro
- pagbabago ng pag-uugali atmadalas na pagkawala sa mood
- pagkakaroon ng hallucination
Upang makaiwas sa pagkakaroon nito, ugaling paganahin ang utak sa pamamagitan ng pgbabasa at paglalaro ng mga mind games.
Tiyakin din na may sapat na tubig at vitamin d sa katawan, kumain ng tama at masusustansyang pagkain at pag-eehersisyo sa pagpapalakas ng resistensya. – sa panunulat ni Hannah Oledan