Natukoy na Department of Environment and Natural Resources o DENR ang dahilan ng nangyaring fish kill sa bahagi ng Manila Bay sa Las Piñas at Parañaque City.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, natural cause ang nakitang dahilan sa pagkamatay ng libu-libong mga isda sa LPPWP o Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Aniya sa paunang resulta ng isinagawang water quality test sa nabanggit na bahagi ng Manila Bay, lumabas na mababa ang konsentrasyon ng dissolved oxygen sa tubig na kinakailangan ng mga isda at iba pang lamang dagat para mabuhay.
Sinabi ni Cimatu, tatlo sa apat na station sa Wetland Park ay nakitaan ng mababa pa sa 6 milligrams per liter na dissolved oxygen na siyang nakasaad sa kanilang water quality guideline.
Paliwanag naman ni Enviroment Management Bureau – NCR Director Domingo Clemente, posibleng resulta ng mga nakaraang malakas na pag-ulan ang pag-agos ng mga decomposed organic matter na siyang dahilan ng pagdumi ng tubig doon.