Human error ang sanhi ng pagguho ng itinatayong flyover sa kanto ng Emilio Aguinaldo Highway at Daang Hari, Imus, Cavite.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, nagkaroon ng pagkakamali sa bahagi ng operator sa paglalagay ng final girder o concrete beam sa flyover.
Nilinaw ni Villar na walang gagastusin ang gobyerno sa pagguho ng naturang imprastruktura dahil papasanin naman ito ng JBL Builders na contractor ng proyekto.
Gayunman, ma-aantala ang proyekto at sa Disyembre na ito maaaring matapos sa halip na sa Hunyo.
Wala namang nasugatan sa pagguho subalit nabagsakan ang isang trailer truck at motorsiklo ng isang traffic enforcer.