Iniimbestigahan na ng Department of Health ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong bata na tinurukan ng COVID-19 vaccine.
Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na batay sa ulat ng Regional Surveillance and Epidemiology Units, isa sa mga menor de edad ay namatay sa Pneumonia, isa sa dengue habang ang isa pa ay sa Pulmonary Tuberculosis.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Vergeire kung saan naitala ang mga nasabing fatality.
Pinag-aaralan na anyang maigi ito ng mga eksperto upang mabigyang-linaw kung bakuna o hindi, ang sanhi ng kanilang pagkamatay.