Tinitingnan ngayon ng Maritime Industry Authority o MARINA ang kumalawang boya na siyang naging sanhi ng pagkakalubog ng Mercraft 3 fast craft na lumubog sa karagatang sakop ng Infanta, Quezon noong isang linggo.
Ayon kay MARINA Administrator Al Amaro, ito’y dahil sa nakasunod naman ang Mercraft 3 sa ipinatutupad nilang panuntunan hinggil sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyang pandagat.
Hindi rin aniya matituturing na overloaded ang naturang fast craft dahil mababa ang bilang ng mga sakay ng barko mula sa total capacity na 286 na pasahero.
Magugunitang dalawandaan at limampu’t isa (251) ang mga pasahero ng lumubog na fast craft habang pito naman ang tripulante nito na ikinasawi ng lima.
“Wala pong advisory, malinaw pa po at kalmado pa ang panahon nung umalis sila, hindi naman po siya kalmadong-kalmado pero manageable sa normal na kondisyon sa ganung pagkakataon, pero sabi rin po ng mga testimony galing sa mga survivors, biglang sumama ang panahon nung naroon na sila sa isla.” Pahayag ni Almaro
(Ratsada Balita Interview)