Tukoy na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa pabrika sa Cavite Economic Processing Zone sa Rosario, Cavite.
Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, isa sa mga installation machine ng pabrika ang nag-over heat na siyang pinagsimulan ng sunog.
Tiniyak naman ni Remulla na mananagot ang dapat managot sa nangyaring sunog na nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon.
Samantala, tiniyak din ng Cavite Provincial Government na bibigyan ng tulong pinansayal ang mga nabiktima ng sunog.
Batay sa pinakahuling tala, aabot sa mahigit isandaan (100) ang nasugatan sa naturang sunog.
Ito ay kung saan sampu (10) sa mga ito ang nagtamo ng 3rd degree burn habang marami ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, 4 na manggagawa pa sa naturang pabrika ang nawawala pa rin hanggang sa ngayon.
By Ralph Obina | Report from: Allan Francisco (Patrol 25)