Inaalam pa ng Department of Agriculture (DA) ang naging sanhi ng pagsirit ng presyo ng pulang sibuyas nitong mga nakaraang linggo.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, nabatid nilang nagtaas ng presyo ang ilang nagtitinda sa pamamagitan ng kanilang monitoring activities.
Ani Evangelista, nakikipag ugnayan na ang kanilang ahensya sa Bureau of Plant Industry upang makita ang supply situation at malaman ang dahilan ng pagtaas ng presyo.
Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na rin ahensya sa mga magsasaka upang malaman kung gaano kalaki ang volume ng kanilang aanihin dahil makatutulong din ito sa pagdagdag ng suplay.
Binigyang-Diin naman ni Evangelista na maaaring makabili ang mga konsyumer ng pulang sibuyas sa halagang isandaan at pitumpung piso kada kilo sa mga outlet ng kadiwa o “katuwang sa diwa at gawa para sa masaganang ani at mataas na kita.
- sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan.