Magsasanib-puwersa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para ma-neutralized ang Abu Sayyaf Group na nasa likod ng ilang karahasan sa Mindano.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III na magsagawa ng “whole government approach” sa paglunsad ng panibagong opensiba laban sa mga bandido.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, sila ang in-charge para sa imbestigasyon at negosasyon sa mga Abu Sayyaf, habang ang AFP naman ang siyang mangunguna sa nasabing opensiba.
Iginiit ni Marquez na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa militar patungkol sa kanilang sanib-puwersang operasyon.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal