Pinag-aaralan ng Office of the Press Secretary (OPS) ang akredistasyon ng mga vloggers na nagnanais na mag-cover sa Malakanyang.
Ito ang tugon ni Press Secretary OIC Cheloy Garafil sa tanong ni Senador JV Ejercito kung itutuloy ang planong akreditasyon sa mga vloggers.
Ayon kay Garafil, naumpisahan na noong huling administrasyon ang posibleng accreditation at nagpapatuloy ang pag-aaral dito.
Hihingin din anya nila ang rekomendasyon ng ibang sektor kaugnay sa nasabing hakbang.
Sinusuri rin ng pamahalaan kung isasama sa mga regular member ng Malacañang Press Corps ang mga vlogger o magkakaroon ng ibang events para sa kanila. —sa panulat ni Jenn Patrolla