Hiniling ng French Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur sa DOH o Department of Health na makaharap ang mga opisyal nito sa isang pagpupulong.
Ito’y para talakayin ang reimbursement gayundin ang mga paraan upang mabigyan ang publiko ng maayos na pananaw hinggil sa Dengvaxia at National Dengue Immunization Program.
Magugunitang tumugon ang Sanofi sa panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III na irefund ang halos isa’t kalahating bilyong Piso ng Dengvaxia na hindi nagamit at kasalukuyang nasa bodega ng DOH.
Kasunod nito, nilinaw ng Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia na walang kinalaman sa integridad ng kanilang produkto ang pagpayagag nila sa hiling ng pamahalaan na i-refund ang naturang mga bakuna.