Taong 2015 pa ay batid na ng Sanofi Pasteur Company ang mga panganib ng Dengvaxia Vaccine subalit nuong isang taon lamang ito ipinaalam sa gobyerno ng Pilipinas.
Binigyang diin ito ni FDAP o Food and Drug Administration Philippines Director General Nela Charade Puno sa pagdinig ng House Committees on Good Government and Public Accountability at Health.
Sinabi ni Puno na huli na rin nang malaman nilang may panganib ang Dengvaxia sa mga pasyenteng hindi pa nagkakaruon ng dengue.
Ayon pa kay Puno nabusisi nila ang ilang dokumento ng Singapore at kung i che check ang kanilang publication inaprubahan nito ang Dengvaxia Certificate of Product Registration nuong October 2016.
Subalit sa kanilang publication ay inanunsyo nito na hindi dapat gamitin ang nasabing bakuna sa mga hindi pa nagkaka Dengue.
Taong December 2015 nang mai report ang Pilipinas bilang unang Asian Country na inaprubahan ang pagbebenta ng kauna unahang dengue vaccine sa mundo at ito pumasok sa merkado ng Pilipinas nuong January 2016.
Ipinalabas naman ng Sanofi nuong November 2017 ang advisory hinggil sa mga posibleng panganib nang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga hindi pa nagkakaruon ng dengue.
Posted by: Robert Eugenio