Dumipensa ang Sanofi Pasteur sa paratang ni Health Secretary Francisco Duque III na itinago nila ang mga impormasyon hinggil sa peligrong dulot ng kanilang anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon sa Sanofi, Nobyembre lamang aniya ng nakalipas na taon nila nalaman na maaaring maging sanhi ng sever dengue ang naturang bakuna para lamang sa mga taong naturukan subalit wala pang history ng Dengue.
Giit pa ng Sanofi, agad nilang isinapubliko ang naging resulta ng kanilang findings batay sa isinagawang clinical data analysis taliwas sa pahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na alam na nila ang side effects ng naturang bakuna nuon pang 2015.
Magugunitang inihayag ni FDA Director General Nela Charade Puno na batay sa ginawa nilang pag-aaral sa isinumiteng mga dokumento ng Sanofi, napagalamang naglabas na ito ng abiso sa Singapore nuon pang 2016 hinggil sa panganib na dulot ng nasabing bakuna.
RPE