Kakasuhan ng Department of Health o DOH ang Sanofi Pasteur na manufacturer ng anti – dengue vaccine na ‘dengvaxia’.
Ipinabatid ito ni Health Secretary Francisco Duque bukod pa sa hihinging indemnity fund para sa pagpapa – ospital ng mga bata dahil sa nasabing bakuna.
Sinabi ni Duque na ang Korte na ang makakapag – pasya sa magiging pananagutan ng Sanofi.
Una nang inihayag ni Duque na isasauli na ng DOH ang mga natitira pang dengvaxia na hindi nagamit matapos ipatigil ang programa para sa pagbabakuna nito dahil sa hindi angkop para sa mga walang history ng sakit na dengue.
Igigiit aniya nila ang refund ng 1.4 na bilyong piso pa na halaga ng dengvaxia.