Tuluyan nang ibinasura ng Food and Drug Administration (FDA) ang lisensya ng Sanofi Pasteur na muling makagawa at makpagbenta ng dengvaxia.
Pinagtibay naman ng Department of Health (DOH) ang inilabas na desisyon ng ahensya na bawiin ang certificate of product registration (CPR) ng naturang pharmaceutical company.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, binabalewala ng Sanofi ang mga regulasyon na ipinaiiral ng FDA.
Dapat daw sundin ito ng kumpanya dahil ito ang tumitiyak na ligtas ang mga gamot.
Dagdag pa ng kalihim, bigo ring magsumite ang Sanofi ng risk management plan.
Samantala, maaaring muling mag apply ng bagong CPR ang Sanofi ngunit kailangan itong sumunod sa mga batas ng ahensya.