Pinag-aaralan na ng Sanofi Pasteur, French manufacturer ng anti-dengue vaccine na dengvaxia, ang kanilang magiging susunod na hakbang matapos na ibasura ng Department of Health (DOH) ang kanilang apela.
Kaugnay ito ng naunang desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na bawiin ang certificate of product registration ng dengvaxia.
Ayon sa pamunuan ng Sanofi, kanilang nirerespeto ang naging pasiya ng DOH bagama’t tinututulan nila ang mga inilahad ng ahensiya na kanila umanong naging paglabag.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin ang Sanofi sa naging paglilinaw ng DOH na walang kinalaman ang ‘efficacy’ o bisa ng dengavaxia sa naging desisyon nito.
Magugunitang binawi ng FDA ang certificate of product registration ng dengvaxia noong Pebrero kasunod na rin ng paglabas ng mga posibleng maging sintomas ng bakuna sa mga hindi na pa nagkakasakit ng dengue.