Isinailalim din sa State of Calamity ang Bayan ng Sta. Ana, Cagayan dahil sa pinsalang idinulot ng Bagyong Neneng.
Inaprubahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang naturang deklarasyon upang mapabilis ang rehabilitasyon at paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Ayon kay Santa Ana Mayor Nelson Robinion, nasa 170 pamilya o 600 katao mula sa 16 na barangay ang naapektuhan ng kalamidad.
Nagpapatuloy naman ang pag-iinspeksyon ng mga otoridad sa pinsalang idinulot ng bagyo sa mga sakahan at livestock.