Inihayag ng COVID-19 task force ng bayan ng Santo Tomas, Davao Del Norte na puno na ang Santa Cruz public cemetery dahil sa dami ng mga pasyenteng nasasawi sa COVID-19.
Nakapagtala ang bayan ng Santo Tomas ng 141 COVID-19-related deaths hanggang nitong Oktubre 5.
Ayon sa lokal na pamahalaan, 55 na mga bangkay ang nakalagak sa naturang sementeryo mula noong enero hanggang Setyembre.
Maliban sa Santa Cruz public cemetery, ginagamit na rin ang pampublikong sementeryo sa Barangay Balagunan upang paglibingan sa mga pasyenteng nasasawi sa COVID-19.
Batay sa datos nitong Oktubre 5, mayroong 1,642 COVID-19 cases sa bayan ng Santo Tomas.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico