Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. si Atty. Jay Daniel Santiago bilang general manager ng Philippine Ports Authority (PPA).
Magugunitang si Santiago ay 6 na taong pinamunuan ang PPA sa ilalim ng Duterte Adminsitration.
Samantala, nagtalaga rin si Pangulong Marcos ng iba pang pangunahing opisyal ng state port authority: ito’y sina Elmer Nonnatus Cadano, assistant general manager, at Frederico Quevsedo, private sector representative to PPA board.