Balik na paglilingkod simula nitong Sabado si Pope Francis matapos mag-day- off dahil sa lagnat.
Ayon kay Vatican Secretary of state Pietro Parolin, posibleng dahil ito sa busy schedule ng Santo Papa, kung saan batay sa naka-post na schedule nito, walong meeting ang kanyang dinaluhan nitong Huwebes.
Matatandaang kamakailan lamang nang mapaulat na maospital ng halos dalawang buwan ang 86-taong-gulang na Santo Papa dahil sa Bronchitis.